Sunday, July 05, 2009

ikaw ba'y nasusukol?

“Napakasikip, napakadilim, nakakatakot, tulungan mo ko, kaya ko ba `to?. Wala akong makita kundi kapirasong liwang na sa tingin ko`y hirap kong maabot dahil na rin sa kalunos-lunos na sitwasyong kinapapalooban ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong sumigaw ng pagkalakas-lakas upang maiparinig sa lahat na naiipit ako sa napakasikip na lugar. Ako`y nahihirapan at nasasaktan. Ayoko ko na, hindi ko na kaya, suko na ‘ko! Bakit ba kailangang iparanas sa akin ang ganitong bagay? Nahihirapan na ko! Naaawa na ko sa sitwasyong kinahahantungan ko. Bakit sa dinarami-rami ng tao`y ako pa? Bakit? Gusto ko ng mamatay! Magpatiwakal, yan ang kasagutan! ” `Yan. `Yan ang kadalasang nararamdaman ng bawat isa sa atin tuwing tayo`y may mabigat na problema. Tama, mabigat na problema. Daig pa natin ang mga taong naka-piit sa rehas na bakal. Pakiramdam natin, tayo ay nasusukol. Gusto nating isigaw sa buong mundo ang problemang sa tingin natin ay mabigat ngunit ang totoo ay hindi. Akala natin ay sukdulan ngunit tayoy nagkakamali. Pagpapatiwakal, `yan lagi ang akalang kasagutan. Tao nga naman! Bakit ba palaging inaakala ng tao na ang pagpatay sa sariling buhay ang kasagutan sa lahat ng problmang sumasalubong sa kanila? Alam ba nila na hindi maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali? Pakiramdam nila`y ang buhay ay isang sinulid na kapag pinutol ay pwdeng ibuhol upang muling mabuo! Isang malaking kalokohan. Kung tutuusin may iba pang tao na nakararanas ng higit pa sa nararanasan nila ngunit hindi sumagi sa isip ang pagpapakamatay.. Mga taong nagpapatiwakal, sila ang masasabi kong BEST example ng taong may makikitid na isip. Mga taong walang alam at lalong walang malasakit sa halaga ng tunay na buhay. Iniaasa sa pagpapatiwakal ang kasagutan sa problemang walang saysay! Nakapanghihinayang ang taong katulad nila. Walang konsiderasyon sa mga taong nagmamahal sa kanila na iiwanan nila basta-basta! Hindi sila nagiisip. Kung mulat lng sana sila sa katotohanan ay mapagtatanto nila na isang malaking kahibangan ang pagkitil sa sariling buhay!. Sana ay maaga nilang nalaman na marami ang naghahangad na mapahaba pa ang kanilang buhay at handing gawin ang lahat para lng magkaroon nito. Kung meron lng sanang life transfusion machine e di nakatulong pa sila na pahabain ang buhay ng mga taong may taning at malapit nang mamatay. Kapalit nito`y limpak limpak na salapi na maiiwan nila sa kanilang ka-toto, kaibigan at mga kamag-anak. Ang maganda doon ay nakatulong na sila sa kapwa, nakapagpaligaya pa sila ng mahal sa buhay. Diba-diba! E kaso wala, kung kaya`t gagawin ko ang aking makakaya para makagawa ng machine na may kapasidad na gumawa ng gantong bagay at tatawagin ko itong Kim`s LIFE TRANSFUSION MACHINE. Yehey! Pero imahinasyon ko lng ang lahat ng ito! At hindi ito kasama sa artikulong inyong binabasa. Itoy pawang kalokohan lamang ng MALOKONG may akda. Pagpasnsyahan nio na po. Salamat :] Kung maaari ay huwag sana natin iasa sa pagpapatiwakal ang ating mabibigat na problma dahil marami ang nagnanais na magkaroon ng walang hanggang buhay.

No comments: