Sunday, July 05, 2009
ano ito?
Ako`y naguguluhan, ako`y nalilito
Maraming gustong malaman, `yan ako.
Anu ba itong nararamdaman ko
Bagay na di ko alam kung ano
Baliw bang maituturing ang katulad ko
Ewan ko kung bakit nagkakaganito
Siguro`y dahil sa pusong bato
`yan ang bagay na meron ako!
Anu ba ang tawag sa nadarama ko
Sana`y malaman ko na kung ano
Awa yata sa sarili ko
Iyon suguro ang inuusig ng puso ko
Ano bang kulang sa buhay ko
Sa tingin ko`y wala, `yon ang paniniwala ko
Ngayon, aking napagtanto
Wala palang kulang, nagkamali ako
Ako`y nagkamali, aminado ako
Wala lang pala ang nasabi ko
Ito siguro ay dala ng pagkaburyo
Akala niyo siguro ay kung ano
Ako ay tao, hindi perpekto
Alam ko kung ano ang naisip niyo
Kritiko, `yan maituturing kayo
Hindi ako inlab, tandaan ninyo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment