Sunday, July 05, 2009

prosty air

“Madilim na naman. Simula na naman ng isang mahabang gabi ng kalakaran. Eto sakto kakaligo ko lang. Syempre kailangan maganda ko noh. Ay oo nga pala! sabado ngayon… puno na naman ang wallet nila pogi! Kailangan red na red lips ko nyan. Eto bagay na lipstick. Blush-on para juicy ang cheeks! Siguro dapat maglagay din ako ng false lashes para cute ako tingnan pag pumikit! Asan ko nga pala nailagay yung pulang backless ko na damit? Bagay na bagay yun para mamaya. Bentang-benta yun sa mga suki ko e. Kamuka ko daw si Rosanna Roces nung kabataan nya pag suot ko yon. Ayon.. andito lang pala. Teka, syempre yung short ko exposed na exposed yung flawless kong legs! Anong wig kaya bagay sa akin? Straight? Kulot? Hmm.. Sige straight nalang para mukhang endorser ng shampoo. haha. O sya sya… pabango nalang and im good to go! :D Oha. Tingnan mo sila. Luwa ang mata sa kakatitig sakin. Malamang gandang ganda sila. haha. Nakasanayan ko na yan. :)) Ha? Ilang taon ko na tng ginagawa? Pano ko napasok sa ganitong siste? Ah mahabang kwento yan… o cge, dahil sa cute ka naman at mejo oks yung tipo mo saken… kukwentuhan na lang kita sa daan. Sa pagkakatantsa ko e.. halos pitong taon na ko sa trabahong to. Matagal na rin e noh? Ilang taon na pala kong ginagawang instrumento ng libido at parausan ng mga hinayupak na lalaki. Ni hindi ko na nga mabilang kung ilan na silang pumasok, este.. napaghandugan ko ng aking serbisyo. hahaha! gabi-gabi.. Mababa na ang lima. O di ba? Ganun kabenta ang beauty ko sa mga parokyano. Ay teka, maiba nga..sinong nagsasabing taghirap na mga tao ngayon? Katarantaduhan. E patok na patok nga tong negosyo na to kahit sa mga mahihirap e! May mga jeepney driver. taxi driver.. sekyu. Halo-halo. May iba pa nga, mamahaling hotels ang pinipili. Madatung ang iba! At inaakala nyong kagalang-galang at mabubuting haligi ng tahanan lahat ng ating minamahal na mga pulitiko? Putangina! E ang iba nga sa kanila halos ilive-in na ang iba sa mga kasamahaan ko e! At bongga, pinapadalhan pa ko minsan ng mga regalo. Kaya tibatiba talaga! haha. Kaya naman pag umuuwi ako e, sobrang nanghihina.. Alam mo na, nakipagbakbakan e. :)) Masaya ba kamo ko sa ginagawa ko? E kung di ka ba naman tanga e! Sino kayang matinong babae ang gugustuhing pagpilahan at pagpasa-pasahan ng mga lalaking ni minsan ay di pa nya nakilala? Pero syempre di na ko kabilang sa mga Dalagang Pilipina na yan.. Eto na nga, andito na ko. Wala e.. kailangan kong gustuhin. Ito nagpapalamon sakin e. Di bale ng warakin ng mga putanginang lalaking yan ang aking puri wag ko lang makikitang tumtitirik ang mata ng anak ko sa gutom. OO TAMA. Nagbunga ang isang makamundong pagnanasa ng hindi sinasadya. Nabuo mula sa isang kasalanan. Ewan ko nga kung saang sulok ng Pilipinas nagtatago yung hinayupak na bumuntis saken e. Bahala na sya.. Kung nasan man sya, malamang nakarma na yon. Di na namin sya kailangan. Ang mahalaga.. Kasama ko ang anak ko. Gaya mo, nangarap rin naman ako. Ni minsan di ko inisip na ganito ang kahihinatnan ko. Di ko to ginusto. Pinangrap ko ring makatanggap ng diploma.. ang umakyat sa entablado. Gusto ko sanang maging abogada. Mahirap lang ang buhay namin sa probinsya kaya nagsumikap akong mag-aral. Balak ko pa nga noon na ilibot si inay sa buong Pilipinas. Patatayuan ko pa sana sila itay ng malaking bahay… yung sampung beses ang laki kung ikukumpara sa kubo namin. Pahihigain ko pa nga sila sa malambot na kama. Patatapusin ko pa ng pag-aaral ang mga nakababata kong kapatid. Nang makagraduate ako sa hayskul, inapply ako ni inay ng scholarship para makapag-aral ng kolehiyo. Wala naman kasi kaming pera para mapag-aral ako. Pero dahil sa may naitatago rin naman akong talino, napagbigyan yung scholarship. Nakapagaral ako sa Maynila. Lumuwas ako patungong lungsod dala ang pangako sa sariling iaahon ang pamilya. Naging maayos naman ang pagsisimula ng aking pagaaral. Magandang mga grado ang nakukuha ko. Palagi akong nasa honor roll. Working student pa nga ako e. Sa umaga nag-aaral. Sa gabi, fast food crew. Di ko alintana ang pagod basta alam kong para sa pamilya ko lahat ng ginagawa ko. Nagkaron din ako ng mga mabubuting kaibigan… yun ang inakala ko. Sila ang nagpakilala sa akin ng mga katagang ‘bar hopping’, ‘alak’, ‘pagbubulakbol’, ‘ecstacy’ at pati na rin ang.. ‘SEX’. Alam kong mali na, kaso ayaw ng sistema kong lubayan ang ‘pakikihalubilo’. Probinsyana nga e.. mahiyain. Kaya takot mawalan ng kaibigan. Pero di ko naisip na lubha kong ikababagsak ang ‘pakikisama’ na yan. May boyfriend ako nun. Si Paolo. Minsan nagkalasingan ang barkada.. at pareho na ngang malakas ang tama naming dalawa. Saka nangyari ang di dapat nangyari. Nagtalik kami. Walang proteksyon. At hindi ko alam na kinukunan pala kami ng video ng mga leche naming ‘KAIBIGAN.’ Nagsimulang bumagsak ang grades ko. Hindi na rin ako nakakapasok. Natanggal ako sa trabaho. Pero hindi pa pala dun natapos ang kamalasan. Nung mga sumunod na araw, pinakalat nila yung video. Kaya naman pala ganun na lang kung matahin ako ng buong eskwelahan. Halos gumuho na ang mundo ko nun. Wala na kong mukhang naiharap sa mga tao. Duming-dumi na ako sa sarili ko. Ni hindi na ko pumapasok. Bumagsak ng bumagsak ang mga marka ko hanggang sa nawala na nga yung scholarship ko. Unti-unting gumuho ang mga pangarap ko. Wala na ang tanging susi ko sana sa buhay na hinahangad ko.. para sa pamilya ko. At hindi pa pala dun natatapos ang kamalasan ko. Nabuntis ako. Ginusto ko nang mamatay nun. Hiyang-hiya ako sa mga magulang ko. BInigo ko sila. Gulung-gulo na ako. Hinanap ko si Paolo.. pero hindi inako ng putangina ang nasa sinapupunan ko. Hindi daw kanya yon. Hanggang sa nawala na ang ugnayan naming dalawa. Ni hindi ko alam kung paano muling babangon… kung pano magsisimula. Hindi ko alam kung paano bubuhayin ang anak ko. Naisipan kong ipalaglag ang bata pero umatras ako. Bubuhayin ko ang bata. Nagpalipat-lipat ako sa iba’t ibang bangketa… may malipasan lang ng gabi. Nagtinda-tinda ako ng mga sigarilyo at kendi para malamanan kahit kakarampot ang sikmura ng anak ko sa aking sinapupunan. Isang ampunan ang sumaklolo sakin. Sa ampunan na rin ako nanganak… ngunit pagkatapos nun. Umalis din ako. Karga-karga ang anak bumalik ako sa dating sistema. Nagtinda ng kung anu-ano mapakain lamang ang anak. Tatlong taon ding mapanganib na kalye ang kinamulatang kapaligiran ng anak ko… hanggang sa makilala ko si Tita Babes. Mabait sya at bibigyan daw nya ko ng trabaho. Pinatira nya kami ng anak ko. Binihisan. Pinakain. Hanggang sa matuklasan ko na lang kung ano itong pinasok ko… PROSTITUSYON. Wala na kong nagawa pa. Kailangan kong buhayin ang anak ko at alam ng Diyos na gagawin ko ang lahat! Lahat lahat. Sirain ko man ang sarili ko. Gustuhin ko mang iwan ang kalakarang ito… pero wala pa kong lakas. Hindi ko pa sigurado kung san na naman kami pupulutin kapag nagkataon. kaya di bale ng magpakaputa ako.. Makaraos lang kami. Mahal ko ang anak ko… Hay nako pogi. Nakakaasar ka naman e. SInira mo tuloy make-up ko. tsk. Magreretouch na lang ako. Salamat sa pakikinig ah. :) So pano… pasok na ko. Oras na para kumayod. Sa muli..

ikaw ba'y nasusukol?

“Napakasikip, napakadilim, nakakatakot, tulungan mo ko, kaya ko ba `to?. Wala akong makita kundi kapirasong liwang na sa tingin ko`y hirap kong maabot dahil na rin sa kalunos-lunos na sitwasyong kinapapalooban ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong sumigaw ng pagkalakas-lakas upang maiparinig sa lahat na naiipit ako sa napakasikip na lugar. Ako`y nahihirapan at nasasaktan. Ayoko ko na, hindi ko na kaya, suko na ‘ko! Bakit ba kailangang iparanas sa akin ang ganitong bagay? Nahihirapan na ko! Naaawa na ko sa sitwasyong kinahahantungan ko. Bakit sa dinarami-rami ng tao`y ako pa? Bakit? Gusto ko ng mamatay! Magpatiwakal, yan ang kasagutan! ” `Yan. `Yan ang kadalasang nararamdaman ng bawat isa sa atin tuwing tayo`y may mabigat na problema. Tama, mabigat na problema. Daig pa natin ang mga taong naka-piit sa rehas na bakal. Pakiramdam natin, tayo ay nasusukol. Gusto nating isigaw sa buong mundo ang problemang sa tingin natin ay mabigat ngunit ang totoo ay hindi. Akala natin ay sukdulan ngunit tayoy nagkakamali. Pagpapatiwakal, `yan lagi ang akalang kasagutan. Tao nga naman! Bakit ba palaging inaakala ng tao na ang pagpatay sa sariling buhay ang kasagutan sa lahat ng problmang sumasalubong sa kanila? Alam ba nila na hindi maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali? Pakiramdam nila`y ang buhay ay isang sinulid na kapag pinutol ay pwdeng ibuhol upang muling mabuo! Isang malaking kalokohan. Kung tutuusin may iba pang tao na nakararanas ng higit pa sa nararanasan nila ngunit hindi sumagi sa isip ang pagpapakamatay.. Mga taong nagpapatiwakal, sila ang masasabi kong BEST example ng taong may makikitid na isip. Mga taong walang alam at lalong walang malasakit sa halaga ng tunay na buhay. Iniaasa sa pagpapatiwakal ang kasagutan sa problemang walang saysay! Nakapanghihinayang ang taong katulad nila. Walang konsiderasyon sa mga taong nagmamahal sa kanila na iiwanan nila basta-basta! Hindi sila nagiisip. Kung mulat lng sana sila sa katotohanan ay mapagtatanto nila na isang malaking kahibangan ang pagkitil sa sariling buhay!. Sana ay maaga nilang nalaman na marami ang naghahangad na mapahaba pa ang kanilang buhay at handing gawin ang lahat para lng magkaroon nito. Kung meron lng sanang life transfusion machine e di nakatulong pa sila na pahabain ang buhay ng mga taong may taning at malapit nang mamatay. Kapalit nito`y limpak limpak na salapi na maiiwan nila sa kanilang ka-toto, kaibigan at mga kamag-anak. Ang maganda doon ay nakatulong na sila sa kapwa, nakapagpaligaya pa sila ng mahal sa buhay. Diba-diba! E kaso wala, kung kaya`t gagawin ko ang aking makakaya para makagawa ng machine na may kapasidad na gumawa ng gantong bagay at tatawagin ko itong Kim`s LIFE TRANSFUSION MACHINE. Yehey! Pero imahinasyon ko lng ang lahat ng ito! At hindi ito kasama sa artikulong inyong binabasa. Itoy pawang kalokohan lamang ng MALOKONG may akda. Pagpasnsyahan nio na po. Salamat :] Kung maaari ay huwag sana natin iasa sa pagpapatiwakal ang ating mabibigat na problma dahil marami ang nagnanais na magkaroon ng walang hanggang buhay.

ano ito?

Ako`y naguguluhan, ako`y nalilito Maraming gustong malaman, `yan ako. Anu ba itong nararamdaman ko Bagay na di ko alam kung ano Baliw bang maituturing ang katulad ko Ewan ko kung bakit nagkakaganito Siguro`y dahil sa pusong bato `yan ang bagay na meron ako! Anu ba ang tawag sa nadarama ko Sana`y malaman ko na kung ano Awa yata sa sarili ko Iyon suguro ang inuusig ng puso ko Ano bang kulang sa buhay ko Sa tingin ko`y wala, `yon ang paniniwala ko Ngayon, aking napagtanto Wala palang kulang, nagkamali ako Ako`y nagkamali, aminado ako Wala lang pala ang nasabi ko Ito siguro ay dala ng pagkaburyo Akala niyo siguro ay kung ano Ako ay tao, hindi perpekto Alam ko kung ano ang naisip niyo Kritiko, `yan maituturing kayo Hindi ako inlab, tandaan ninyo!

pag-ibig

Ang pag-ibig ay isang salita na may tatlong pantig at pitong letra. Madali itong basahin at at madaling bigkasin subalit mahirap itong unawain dahil napakalalim ang ibig sabihin. Taong may ginintuang puso lamang ang makakapagbibigay ng tama at eksaktong kahulugan ng salitang ito dahil puso at isip lamang ang dapat gamitin, palawakin at pairalain upang makabuo ng kahulugan na dapat nating linangin.

Sunday, May 04, 2008

hurray!!

At last, i do have a blog nah!